Nagkaroon ka na ba ng panaginip? Masaya ang panaginip, lalo nung kung tungkol sa isang matagumpay na istorya. Maaaring tagumpay sa buhay, at ang nakakakilig na pagibig. Bata pa lang ang tao, nararanasan niya na ito, kung totoo man, hindi malayong ilang milyong kombinasyon na ng panaginip ang hindi mo naaalala.
Kung marunong ka, siyempre ako rin. Sa edad na 22, bata pa ako. Oo, nanaginip na ako. Sobrang dami, di ko na maalala kung kelan ang first time ko at kung ano man ito. Napanaginipan kong mayaman ako, at meron akong tatlong swimming pool, na wala namang naglalangoy kundi dahon ng Aratiles sa aking mansyon. Marahil dahil sa masyado akong abala sa pagpilit kong wag magising kaya kahit ako di ko nagawang lumangoy. Napanaginipan ko rin na may gusto sa akin ang kaklase kong cheerleader, Masaya dahil hindi ko siya pinansin at panay pa rin ang pagpapapansin niya sa akin kahit alam niyang pagaaral lang ang layunin ko sa paaralan, Sa panaginip. Kung paano nangyari ang lahat na pumasok sa utak ko, hindi ko alam. Kung kokontra ka, pasensiya na, hindi ko kayang ituro sa iyo kung saan dapat magreklamo. Hindi tayo ang direktor ng sarili nating panaginip, Maaaring pumapasok sa utak natin ang mga bagay na ito dahil ito ang tunay na hinahangad ng ating mga damdamin. Pero ano nga ba ang mga panaginip, na para sayo’y kakaiba at mukang mauuna pang magkapakpak ang baboy bago ito.
Sa pagtatrabaho ko sa isang “Call Center”, di malayong maikumpara koa ang pamumuhay ng ibang lahi sa ating mga pinoy. Bagamat parehas lang halos ang opinion nila at sa ating mga pinoy tungkol sa buhay, makikitang napakagaan ng pamumuhay nila. Napanaginipan kong Pilipinas ang tinitingala ng ibang bansa. Magandang ekonomiya, Malaya, at may bukas na isipan tungo sa kaunlaran. Nakakalungkot isipin na ang mga bagay na ito’y pinlano na mula nang lumaya tayo sa kamay ng mga banyaga, pero tila hanggang ngayon, walang kasiguruhan ang mga bagay na ito. Ilang taon na ang lumipas, mula nung sabihin ni Rizal na kabataan ang pagasa ng bayan, ilang henerasyon na rin ang dumaan, ngunit hanggang ngayon malabo pa sa black and white tv na walang antena ang mga pahayag na ito. Mas Masaya nga naman ang paglalaro ng DOTA, kesa alamin ang pinagmulan ng mga kulisap at kung bakit umiilaw ito. Sa paglipas ng panahon, ang mga kabataang inaasahang magangat sa bayan, ay tila nawawalan ng interes sa pagaaral. Ako mismo ang aamin, na nakakatamad ito. Ano nga ba naman ang alam nila sa pagligtas ng isang bansang untiunting lumulubog. Sa pagtagal ng panahon, ang mga kabataang lumalaki ay nakakadagdag lamang sa bilang ng mga taong walang trabaho, at pampabigat ng timbang ng Pilipinas. Tanggapin na natin na hindi natin maaaring iasa sa mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan, kung hindi natin sila kayang hubugin sa tamang paraan.
Sa napanaginipan ko, naisip kong tingnan ang directory at hanapin ang numero ng white house, upang magiwan ng mensaheng “Pakisakop na lang ulit kami”, kamalasmalasan lang talagang wala sa listahan ang numero nito. Minsang nanood ako ng TV at ang palabas ay The Buzz. Kitang kita ng aking mga mata, na ang nasa hot seat ay ang pangulo, na nagkukuwento tungkol sa bago nitong boylet, na tinago niya sa pangalang young actor. Pinanood ko, dahil interesado ako sa lovlife ng presidente ng isang bansang nagpupumilit bumangon. Nakakagulat na sinabi ng pangulong, “gumising ka at malelate ka nanaman!!”, may background music itong nagluluto ng almusal. Nagising ako, nagmunimuni.. sinimulan ang isa nanamang masayang araw.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment