Friday, January 15, 2010

good future for sale


Taon-taon tumataas ang tuition fees sa mga paaralan na eksklusibo daw at naniniguradong maraming matututunan ang mga mag-aaral. May mga paaralang nagmamalaking accredited cla ng PACUCOA na level 1 to the highest level, meron ding mga paaralan na kug ituring ang larong basketball eh parang eto na lang ang kailangang matutunan ng isang estudyante para magtagumpay. Mga state U na nangangako ng magandang kinabukasan sa murang halaga, mga paarlaang mabilis ka raw makakagraduate dahil trisem, quartersem, at “bisem”. Isama mo na dito ang mga paaralang nagmamalaking mataas ang board passing rate sa kung ano mang board exam, pinagmamalaki ng mga paarlaang ito ang mga board passers na lilipad patungong ibang bansa at paunlarin ang lupang banyaga. Maraming pang iba, alam mo kung ano tinutukoy ko…

Kung kaya mong bumalik sa nakaraan, anong uri ng paaralan ang pipiliin mo?

Noong malapit na ang graduation namin nung 4th yr HS, excited ang lahat sa pageentrance exam sa iba’t ibang Universities sa Manila, QC, LP, Makati, o kaya… o sige na nga buong NCR. May ilan pang nagbalak pang mag-aral noon sa probinsiya dahil doon daw talaga siya lumaki na taliwas sa paniniwala kong makukuha ko ang pinakamagandang kaledad ng edukasyon dito sa Manila dahil ito ang sentro ng kalaalan at komersiyalidad.

Naging basehan para sa pagpili ko ng paaralan ang uri ng kursong kukunin ko. Inisip ko kasi noon na may kanya-kanyang specialty bawat paaralan, parang paborito mong karinderya. Nais ko noong maging Engineer. Inuna ko ang paaralang may magandang pangalan sa Maynila, matanda na ito at kahit hindi Engineering ang pinaka specialty nito, kung makakpasa ako at makakapagtapos dito ay siguradong good shot ako sa magulang ko at poging pogi rin ako sa mga kapitbahay namin. Kaso nga lang, makaraan ang dalawang lingo nalaman kong isa pala akong sawing palad. Tulad ng palusot ng marami, hindi ko daw pwedeng kunin ang kursong nais ko dahil isa itong “quota course”. Dehins ako nakapasa, badtrip repa!!!

Madali naman akong nakaget-over sa pangyayaring ito, kung kaya naghanap agad ako ng mas “magandang” paaralan. Sa paarlaang nakita ko, Maganda ang pangalan pagdating sa pagiinhinyero, at sosyal dahil nasa loob ka ng environmental friendly na pader kung saan maraming paaralan pa ang nakatayo, at ialng mga historical na simbahan ag matatagpuan. Jackpot talaga dahil ialang saglit lang nakapasa na ako, at dito na unang nagsimula ang impiyerno.

Sa paaralang ito nagtagal ako, at talagang nagmukha akong matagal pa gumraduate. Bagsak dito at bagsak doon. Tambay dito at tambay doon. Maere ang paaralang napasukan ko, masyado akong nahook, at ayokong mawala sa akin ang ereng nakukuha ko dito kahit bagsakin naman talaga ang estado ko. Tipong ilang ulit na akong dapat kick-out pero ayun ako at umaapila upang mabigyan ng isa pang pagkakataon, at pag tapos ay isa pang pagkakataon, at is pang pagkakataon at pagkakataon to positive infinity….

Malay ko ba naman kasing kailangan palang mag-aral, eh ang palala lang naman sa akin ng nanay ko sa tuwing papasok ako eh, “ingat ka anak, pumasok ka ha”

Sa bawat sermon dahil sa bagsak na subject, nagging paborito kong sago tang mga katagang, “eh bakit ba? Ganito talga sa college!!”, kapalit ng linyang ito ang kamal kamal na salaping ginagastos ng mgaulang ko sa paggpapaaral sa akin sa isang magandang paaralan.

Nagsawa din nman ako sa paulit-ulit na nakakasuakang mga pangyayari ng buhay ko. Tipong tuwing bigyan ng grade nagtatago ako. Lagi na lang akong naghahabol sa mga prof na parang ninjang nawawala bigla bago magfinals, kakahanap ng mga sections na sure pass ang prof. OO meron nun, at alam mo un,,,, sure pass na mga prof.

Apat na taon ang ginugol sa sa paaralang ito, pinangakuan ako ng mgandang kinabukasan. Akala ko naman grantisado na ang ang kinabukasan ko, sa banding huli ako pa rin pala ang makakapagdesisyon kung gaano kataas ang tagumpay na kaya kong abutin, hindi ang paaralang pinanggalingan ko.

Sa kabiguang ito, napilitan akong magtabaho. Ang pngunahing inspirasyon ko ay ang makapagtapos ng pag-aaral. Hindi na ako namili pa ulit ng paaralang naniniguradong magkakaroon ako ng magandang kinabukasan. Sa pagkatuto ko sa aking karanasan, pinili ko ang paaralang, pinakamadaling biyahein galing sa trabaho at bahay. Pinili ko rin ang kursong nababagay sa akin, kursong magaan, at di hamak na mas malapit sa puso ko dahiil bukod sa ang kursong ito ang pinakamalapit sa hindi pag-aaral, may kinalaman din ito sa pagpapahayag ng sariling pananaw.

Sa pagbalik ko sa paaralan makalipas ang pagpapahinga.ng ilang saglit, nagiba ang tingin ko dito. Kung dati nakikita kong ang paarlaan ang huhubog sa mga estudyantng nag-aaral dito, hindi na ngayon. Para sa akin, ang mga estudyante ang humuhubog sa paaralan. Estudyante rin ang nagbibigay ng magandang reputasyon sa mga paaralan, at hindi ang mga accreditation galing sa PACUCOA, PAGCOR, BFAD, ATBP.

Masaya… Ganun pa rin naman angmga estudyante. Mataas ang mga pangarap. Maraming nagiisip na umalis pagnakapagtapos ng pag-aaral, maraming nag-iisip na maraming trabaho ang naghihintay sa kanila, maraming ring mga banjing banjing lang. Nakakahiya lang talagang isipin na minsan akong nagkamali at may mga estudyanteng nakikitaan ko ng parehas na pagkakamali, marami rin sila. Mga kalahati ng skul.

“Dyahe I was lke that before??”. Mga katagang naglalaro sa aking isipan tuwing nakakakita ako ng mga katulad ko.

Kung babalik ka sa nakaraan, mamimili ka pa rin ba ng paaralan? Nais mo bang magpahubog sa kanila at mabigyan ng siguradong kinabukasan? Maniniwala ka bang ang paarlaan na ito ang pinakamalgaing sa NCAA dahil sa mga trainers at coach? Maniniwlaa ka bang mataas ang passing rate ng isang paarlan sa board exam dahil magaling ang turo? Ito ba o mas paniniwalaan mong ikaw ang magdadala sa pangalan ng paarlan mo. Mas mainam yatang hindi na lang magpahikayat sa pangalan ng paaralan, at isiping ang pangalan ng paaralan ay nakasalalay sa mga estudyanteng nagaaral dito. Mga Estudyante ang nagtataguyod sa institusyon ng karunungan at hindi ang paaralan ang susukat sa galing o lilikha sa tagumpay ng isang mag-aaral. Sino ang mga mag-aaral na yon?

Ikaw, ako, at lahat nang uhaw sa karunung

Friday, November 20, 2009

Taas noo...


Hoy Pinoy ako!! Buo aking loob may agimat ang dugo ko... Kanta ng isang sikat na Pilipinong banda. Nung kausuhan ng kantang ito, madalas ko itong marinig na kinakanta sa kalye ng mga bata. Madalas din ako ginigising ng kantang ito tuwing tulog ako sa sinasakyan kong FX(maaring toyota revo, Isuzu Hilander, at Mitsubishi adventure ) na nakatutok ang radyo sa FM station. Narinig ko na rin itong ginawang background na kanta sa mga advertisement ng kabayanihan ng kababayan nating mga pinoy.

Maganda ang kanta kung pagiging makabayan at pagkataas noo nating pinoy lang ang paguusapan. May problema nga lang, taas noo nga ba tayong mga noypi?

Sa mga istasyon sa TV, lagging sinasabing “Proud to be Filipino”, Sa mga interview laging sinasabing masaya sila sa Pilipinas. Sabi ng mga pinoy na nakatira sa ibang bansa lalong lalo na sa US, mas masarap daw ang buhay sa Pinas kahit doon na nakatira anf mga apo at wala nang natitirang kamag-anak sa Pinas.

Lagi natin itong sinasabi, pero kung bibilangin natin ang mga bagay na nagawa natin para sa ating bansa magamit kaya natin kahit isang daliri lang para sabihing “meron naman kahit isa”. Kung papansinin, lumalabas kadalasan na kulang tayo sa gawa pagdating sa mga bagay na ito. Hindi lang ilang pinoy na magagaling daw ang nakakapansin na kulang tayo sa pagmamahal sa sarili nating bayan, kundi pati na rin mga banyaga.

Sa lahat ng uri ng bagay na ginagawa natin, makikitang kulang nga tayo sa gawa.

1.Binasa mo ang librong twilight kahit napanood mo na ito, pero hindi mo maalala kung saang libro bida sila Don Juan, Don Diego at Don Pedro.

2. Sa Friendster at Facebook nilalagay mong favorite food ang Japanese, Italian, Chinese, at minsan pag tinatamad ka nilalagay mo na lang ay sweets… paano naman ang adobo? Sinigang? Ibig mo bang sabihin sa sweets ay sapin-sapin, kutsinta, yema, pastillas at tiratira?

3. Alam mong tumakbo si Obama at gusto mo siyang manalo sa Eleksyon sa US, pero hindi ka pa nakakapagparehistro sa Comelec.

4. Sosyal ang starbucks… yun na yun…

5. Magalang ka sa banyaga, lalo na sa mga kano. Gusto mo yumaman?

Ilan lang yan sa mga bagay na madalas nating ginagawa, kung bakit, wala yatang nakakaalam. at kung isa ka sa mga gumagawa nito, taas noo nga!

kung tutuusin, wala naman talagang masama sa mga bagay na nabanggit. Masyado lang talaga nating minamahal at pinahahalaghan ang ano mang bagay na hindi sa atin. Masayado natin itong minamahal na umabot na sa puntong binabalewala natin ang ano mang sa atin.

minsan naisip ko rin na tutal naman "halos " wala na tayong pakialam sa bansa natin, bakit kaya hindi na lang tayo magpaskop ulit sa mga banyaga. jackpot yun kasi kung babalik and mga kastila dito, dadalhan nila tayo ng magandang ekonomiya at magandang estado sa buong mundo. Kung hapon naman ang masisiaraan ng bait at bumalik dito, gaganda rin ang ekonomiya natin dahil dadami ang pabrika ng mga microchip at magiging malaking tayer tayo ng mga sasakyan . technological advancement baga. siyempre isipin mo na rin ang mga kano, instant power!!, bayad na mga utang instant yaman pa lahat ng pinoy.

Nakakatakot lang talagang mangyari ang mga ito dahil baka bumangon ang mga bayani sa libingan. Isipin mo maging zombie sila at nakagat ka, magiging zombie ka rin, at kakagatin mo rin ang ibang tao. Mapapaulitulit ito hanggang sa maging zombie ang lahat ng pinoy. Ok lang mayaman naman!!(sabi ng tropa kong nagbabasa sa likod ko habang sinusulat ko to.)

May karapatan akong sabihing masaya sa pinas, dahil andito pa rin ako at nangangarap na magbago ang bansa (nangangarap = kulang sa gawa). Wala akong planong mangibang bansa dahil wala rin naman talaga akong gagawin dun, at ang pinakamahalaga sa lahat, wala kasi akong pamasahe. Suntok sa buwan man kung sasabihin nating kay pa ng bansa na magbago, pero isipin nating tayo ang nakatira dito at tayo lang ang makakapgbago ng mga nangyayari dito. Walang mangyayari kung habang buhay tayo maghihintay lang sa pagbabago, alam nating marami tayong nagnagnarap sa bagay na iyon, pero walang balak gumalaw at lahat ay gustong maghintay na lang.

"look up in the sky"

Thursday, September 3, 2009

nakakatamad

Nakakatamad mag-aral. Sa paaralan Kailangan mong makakuha ng magandang marka sa lahat, kailangan mong matutong bumasa at sumulat, kailangan mong sumunod sa tamang gupit, Kailangan magsuot ng uniform,kailangan itim ang sapatos, kailangang itim ang medyas, kailangang may notebook, dapat kang umattend ng flag ceremony, kailangan bumili ng panindang yema ng prof mo, kailangan umattend ng alive-alive pag nirequire sa kolehiyo, kailangang matuto ng egg mosaic o di naman kaya’y paper mosaic, maaga kang gigising, magreport na parang nagbabasa lang, may quiz, may recitation, may bigayan ng grade, may bumabagsak, at marami pang iba na uulit-ulitin mo sa loob ng halos dalawampung taon kung cool ka, at tatlumpung taon naman pag naisipan mong maging mas cool pa ng konti. Nakakatamd noh?

Kung sa pagaakala mong nakaktamad ang pag-aaral, tama ka jan. Pero kung titingnan maigi, ginagawa natin ito sa unang parte lang ng buhay natin. Para lang itong intro sa isa pang mas mabigat at lalong mas nakakatamad na bagay, at iyon ay ang pagtatrabaho.
Isipin mo ito;Kailangan mong gawin ang lahat ng nakakasawa at paulit ulit na bagay para lamang makakuha ng hindi magandang trabaho. Swerte na kung may makuha ka ngang trabaho sa bansa natin.

Noong unang panahon barter lang o pagpapalitan ng kalakal ayos na ang buto-buto. Parang papalitan mo lang ng isang trak na patatas nag isang kilo ng ginto. Nung dumating ang mga Kastila sa ating bayan, nauso na ang pagalingan sa akademiks dahil dinala nila dito ang pag-aaral, at pagtapos mong makapagaral ay kailangan mong buhayin ang sarili mo sa larangang pinagsayangan mo ng panahon. Nagpaikot-ikot ito hanggang sa kasalukuyang panahon.
Napalitan man noon ang barter, madali lang magtrabaho. Marunong ka lang magbasa at magsulat, solb na. Minsan naman maging magsasaka ka lang, maari ka nang makipagdisco sa mga tao sa tuwing may kapistahan sa lugar niyo. yun lang ang kailangang gawin leveling ka na agad. Di katulad ngayon na kung ano-anong uri ng lisensya ang kinakailangan mong makuha, at mga exams na kailangan mong ipasa para mapatunayang dalubhasa ka sa isang bagay at pagtapos sasahod ka ng mababa na sapat lang ipambili ng havaianas na tsinelas. Santambak din na proseso ang kailangan pagdaanan makakuha lang ng trabaho. NBI, Police, barangay , at iba pang uri ng clearance. Photocopy ng resume, singkwentang kopya dahil di ka nakasisiguro sa unang kwarentay nwebeng kompanya na inaplayan mo. pagnatanggap ka na masasabi mong simula na ng bagong impyerno dahil marerealize mong Masaya pa ang proseso ng pagaaply dahil iba’t-ibang bagay, tao, at lugar ang nakikita mo, di tulad ng pagtatarabaho na makakabisado mo ang dinadaanan mo dahil araw araw kang dumadaan sa parehas na kalye, parehong tao araw-araw, at iisang gawain lang araw-araw.

Maaaring hindi sa lahat ng pagkakataon ay ganito ang nangyayari, pero isa ako sa karamihan ng tao na biktima ng paulitulit lang na pangyayari. Mahigit isang taon na ako ngayon sa pinagtatrabahuan kong kumpanya. Mahigit isang taon ko na ring pinagtitiisan ang ginagawa ko. Wala akong pagpipilian, dahil kung ititigil ko ang trabaho, hindi na ako kakain at magiging healthy living na akong parang kulto na sumasamaba sa hangin at tubig. Naisip ko rin minsan na kung palitan kaya ang trabaho ng bagay na paboritong mong gawin, at iyon ang maging source of income, maging Masaya ka kaya?

Halimbawa kung Masaya ka sa pagtulog, at ibigay sayo itong trabaho maging kuntento ka kaya? Isipin mo araw-araw ka matutulog ng 8 hrs at kailangan putulin sa gitna para mananghalian. Ano naman kaya ang mangyayari sau kung Masaya ka sa paglalasing? Ganun pa rin ang kundisyon. Magiinom ka 8hrs araw-araw at wala kang ibang gagawin. Subukan na rin nating gawing trabaho ang pagtambay. Tatambay ka ng 8 hrs full shift 5 days a week, meron kang 1 hr lunch break, at dalawang 15 min. break na bayad, ok na ba sayo yun? Kung di ka pa Masaya eto pa ang benefits, 3 mos probation tapos after six months regular ka na, may 13th month pay, may sick leave at vacation leave na convertible to cash kapag hindi nagamit. Kung hindi ka pa nakuntento, may pakape pa yan(walang payosi), libre transpo kung saan mo man nais tumambay ay magtrabaho pala, at walang bisor. Tatambay ka lang wantusawa, walang pipigil sau at walang makikialam. Masaya? Nakakatamad pa rin ba?

Maaaring masaya ang pagtambay,paglalasing at pagtulog, pero ang problema kasi, wala pang kumpanya ang nangunsinte sa pagtakas ng tao sa kanyang mga responsibilidad. Ang mga bagay na ito bagamt nakakapagpasaya sa tao ay hindi pa rin sapat na dahilan upang iyon na lang ang gawin natin habambuhay. Walang problema kung tinatamad ka, kaso nga lang kung hindi mo gagawan ng paraan ang karamdamang iyan eh unti-unti kang lalamunin at palulubugin nito at baka huli na ang lahat bago mo pa marealize na napagiwanan ka nap ala. Malungkot ang napagiiwanan dahil patay na lahat ng kasabayan mo at ikaw na lang ang natitirang buhay at nagdudusang magisa.

Naisip ko minsan na baka kaya hindi tumitigil ang ilan sa pagtambay ay dahil sa wala silang bisor na magfifile ng resignation letter nila. Makes sense! Oo! wala akong karapatan na magsalita at magmagaling tungkol sa mga bagay na ito dahil isa rin ako sa mga taong may karamdamang tulad nito. Wala rin akong magawa dahil kahit anong pilit ko takasan ang responsibilidad, para bang ito na mismo ang humahabol sa akin. Pag nararamdaman kong inaatake ako ng sakit na katamaran, iniisip ko na lang na siguro nga’y kailangan na lang tanggaping magtrabaho ang dapat gawin para umunlad ka, makatulong sa minamahal,ikatuwa ka ng tao at bayan mo, masabi ng diyos na hindi nasayang ang putik na pinanggawa niya sayo na dapat sana’y sa palayok niya gagamitin. Kung di ka pa rin naantig, aba’y mahiya ka naman sa palayok na dapat sana’y napagsasaingan na ngayon kung hindi ka nabuhay para lang tamarin at tumambay.

Sa mundo nasusukat ang tagumpay sa pamamagitan ng layo ng narating, kayamanan at dami ng napabilib. Hindi mabubuo ang tagumpay kung wala ang isa sa tatlo nitong sangkap. Kung kokontra ka, para mo na ring sinabi na may halo-halong walang yelo. Maaari itong makamit sa paghubog sa sariling kakayanan at isang mabisang paraan ay ang pagtatrabaho. Ok lang tamarin, lahat ng nagnanais umunlad ay nagdaan na sa ganitong proseso. Siguraduhin lang na magiging masaya ka sa kung ano man ang gagawin mo nang sa gayon ay walang dapat pagsisihan kung sakaling hindi magtagumpay sa bandang huli. Ikaw ang makikinabang sa kung ano man ang iyong pinaghihirapan, at ikaw rin ang makikinabang sa ano man ang iyong kinatamaran. Ngayon kung naiinis ka pa rin dahil naiisip mong unfair dahil tamad ang mga pulitiko kaya di naunlad ang pilipinas, magisip ka dahil baka tinatamad ka lang ding gumawa ng bagay na iakauunlad ng sarili mong bayan.

Thursday, August 27, 2009

tamang paggamit ng kamay

Meron kang limang senses; paningin ang sa mata, pandinig ang sa tenga,pang-amoy ang sa ilong, panlasa ang sa dila, para naman makaramdam ang sa iyong balat. Lahat ng ito’y mahalaga. Isipin mo na lang mabulag ka? Hindi mo na mapapanood nag paglipad ni darna sa TV, at hindi mo na rin makikitang bago na pala ang ipit ni Jolina. Kung mabibingi ka naman ay, hindi mo na maririnig ang matatamis na pangako ng mga pulitiko, medyo pabor kaso lang hindi mo na rin maririnig ang masarap na tinig ng mga taong naghihikahos at nagugutom, nakakahinayang di ba? Kung mawalan ka ng panlasa di mo na malalasahan ang panindang yema ng teacher mo nung high skul, sayang dahil matamis ito at may mataas na grade na kasama. Nakakahinayang din kung mawawalan ka ng pang-amoy dahil bukod sa hindi mo na maamoy mga mabahong kanal at basura sa paligid, hindi mo na rin maamoy ang kilikili ni manong na makakasakay mo sa LRT. Ikaw naman ay manhid kung wala kang nararamdaman. Manhid ka, walang maramdaman, at yun na yun.

Pinakamalaking parte ng ating katawan ay tinatakpan ng balat. Balat din ang isa sa pinakamabili sa mga ihawan dahil sa mura lang ito, pero hindi iyon ang punto ko, sinali ko lang iyon para humaba ang sinusulat ko. Nababalutan ng balat ang paborito kong parte ng aking katawan, at iyon ay ang aking mga kamay. Paborito ko ito dahil tinutulungan kao nito maglaba, kumain, gumamit ng remote ng TV, pumara ng jeep, minsan mangupit sa nanay ko(MINSAN lang), tumuhog ng fishball, magsawsaw ng fishball, at higit sa lahat magsulat.

Oo, wag ka nang magtakang kamay ang ginagamit ko sa pagsusulat. Di man ako humwahawak ng ballpen dahilt tinatype ko lahat ng sinusulat ko, pagsusulat pa rin ang tawag sa ginagawa ko. Kamakailan ko lang nalamang kamay pala ang paborito kong parte ng katawan dahil kamakailan lang din ako nagsulat. Napagtanto kong sa pagsusulat, maaari kong ipaalam sa lahat ang nilalaman ng aking isipan. Kamay ang aking pangunahing instrumento. Pinagagalaw ng aking utak ang aking mga kamay, at isinusulat naman ng aking kamay ang nilalaman ng aking utak. Kung pangunahing sangkap sa sisig ang utak at tenga ng baboy, sa pagsusulat utak at kamay naman ng tao. Yum yum.

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ko masimulan ang pagsusulat noon ay dahil baka wala namang magbasa ng mga sinusulat ko at mapapasma lang ang aking kamay. Sayang din ang pagtutok ko sa computer, sayang ang kuryente at baka masigawan pa ako ng nanay ko sa pagsasayang ng kuryente. Nabago na ang lahat nang ito. Marami pa pala akong pwedeng paggamitan ng aking kamay. Alam kong kailangan ko ng mga taong babasa ng mga bagay na isusulat ko, pero nung matapos ko ang unang assignment sa pagiging writer, para na akong adik na nanginginig ang mga kamay sa oras na sumpungin akong magsulat. Subukan mo at maaadik ka rin. Kamay mo na ang maguuntog sa sarili mong ulo pag pinigilan mo ito. Mararamdaman mong gusto mo magsulat tungkol sa ipis, sa tsinelas, sa upuan, sa mouse ng keyboard, sa electric fan, sa ilaw, at kung talagang nangangati ang palad mo pati nananahimik na mga figurine sa bahay eh maisasali mo pa.

Makapangyarihan ang pagsusulat. Masasagi mo ang ibat-ibang damdamin ng ibat ibang mga tao. Nakakalungkot lang talaga isiping hindi yata lahat ng tao eh nagnanais na gamitin ang kanilang mga kamay sa larangang ito. Para sa marami ang kamay ay ginagamit lamang sa pagsesend ng mga kowts sa cellphone o kaya naman ay paggalaw ng mouse upang i-click ang mga gulay sa Farmville. Gayon pa man, isa na rin sa layunin ng aking panulat ang ipaintindi sa lahat ang ibig sabihin ng malayang pagpapahayag sa pamamagitan ng pagsulat.

Umaasa akong makakatulong sa pagbabago ng takbo ng pagiisip ng ilan sa mga taong makakatulong sa pagunlad ng ating bayan gamit din ang aking mga kamay.
Kung gagamitin lang sana natin ang ating kamay sa tamang paraan, marami sana itong magiging epekto sa pagbabago ng ating bayan. Ngunit habang tumatagal mukang pangulangot na lang talaga ang silbi nito sa mga taong nagaral at nakakaintindi ng abakada. Ipagpatuloy niyo lang, dahil baka sa pangungulangot niyo masungkit niyo ang inyong mga utak at makitang kulay berde na pala ito kakalaro ng Farmville o di naman kaya’y magang maga na ito dahil sa mga kaalamang nakatago dito na hindi man lang naisisigaw o nailalabas sa ilang parte ng iyong katawan.

Kung sakaling masusungkit mo ang utak mo, pilitin mong ibalik sa ulo mo at wag na wag mong gagamitin ito sa pagsususlat dahil malabsa ito at masasayang lang ang papel.

Saturday, August 8, 2009

Cybertron

Kapag tinira mo ng tsinelas mo ang lata at napalabas mo ito sa bilog, Champion ka sa mga kalaro mo pagdating sa larong Tumbang Preso. Kung kaya mong tumuntong sa pinakamaliit na bato, ikaw ang pinakamalupit sa langit at lupa, ngunit bawal mong tungtungan ang sarili mong tsinelas dahil mababan ka sa laro, mas maigi pang mag taym pers ka na lang muna. Tatanghalin ka namang “the Flash” sa larong patintero, kapag hindi ka nataya ng patotot at kuryente sa patintero(pwedeng maging patotot ang nasa pinaka harap na player.)Napakalawak naman ng larong teks. Sa teks may one on one at tatluhan, meron ding tinatawag na two face kung saan dalawahan naman ang labanan. May isang paraan lang upang tanghalin kang master ng teks, yun ay kung kaya mo ang “Pektus”. Ang pagpepektus ay ang paraan ng pagtira na gagamitan mo ng konting style, maaring squat ng konti, o pagilid, minsan paupo, kahit anong paraan pa basta mahalaga ipipilantik mo ang iyong mga kamay matapos mong pitikin ng umiikot ang teks. Kinakailangan ng matinding konsentrasyon ang move na ito dahil kung hindi, tatawging sabog ang tira mo o kaya nama’y “kak” ang mga teks, na dahilan para ulitin mo ang move dahil invalid ang mga resulta nito. Unisex ang mga larong ito, kaya’t naenjoy nang lahat ng kabataan.
Napakatagal na ng mga larong ito kung tutuusin,
Bonifacio: tira na
Aguinaldo: pepektusan kita
Bonifacio: ok bayad ka, i-sa, dal-wa, tat-lo cha.
Agunaldo: teka lang kak yung pato mo oh!
Bonifacio: Labo mo dude!

Ito ang mga larong ipanaman sa atin ng mga naunang henerasyon. Mapalad ako dahil nakikita kong isa ako sa mga huling henerasyon ng kabataan na naglaro nito. Sa paglipas ng panahon, umunlad na ang kapaligiran, malaki na rin ang nagbago sa mga laro dahil sa tinatawag na online games.
Babala:
Lubhang nakakaadik ang mga ito, at hindi lang ito ginawa para sa mga bata. Maging matatanda ay maaring iwan ang pagshashabu, may maipang SF o DOTA lang.

Simulan natin sa family computer. Uso na ito noon pero, hindi pa rin siya ganoon nakakaadik. Palakpakan ang unang makabagong laro, dahil hindi nito inalis sa kabaaang Pilipino ang saya ng paglalaro sa bahay. Sinundan ito ng Snes at Sega 16-bit na kompyuter.Medyo makabago na ito noon at may kamahalan, kung kaya’t hindi rin nito inalis ang kamusmusan sa mga kabataan. Pangatlo naman ang playstation. Medyo may malaking pagbabagong naganap, dahil nauso na angg parntahan nito sa iba’t-ibang lugar. May mga batang hindi na pumapasok sa paaralan dahil nauubos ang kanilang baon sa pagrenta ng playstation, na nagresulta naman sa hindi pag-aaral at pagtambay sa mga parentahan kahit hindi pa naliligo. Masasabing may pagbabago, dahil nauso na ang mga tambay na hindi naliligo, at tanggap ito ng masa basta pinanonood mo ang pinakamagaling na mampeplaystation sa paborito mong parentahan ng PS. OO you belong, kahit na amoy aso ka na, pwede ka pa ring tumambay. Bigyan na lang natin ng isang bagsak.


Matagaltagal din ang playstation na pinagkaabalahan ng mga kabataan, at sa paglipas ng panahon pati na rin matatanda.

Pinakalatest ang PC/Onlinegames. Pinakalatest sa lahat, bagamt matagal tagal na rin itong nilalaro o pinagkakabalahan, para sa mga nahuhumaling lagi pa rrin itong latest, at magiging latest sa mga susunod pang taon. Wala nang masyadong bata sa kalye, marahil ay ginagawa na nila ang assisngments nila. Mali!! Naglalaro lang sila ng SF at DOTA at kung ano ano pang online games. High-tets na nga naman tayo. Uupo ka na lan sa bahay, maaaring kumain sa tabi ng PC kaya naman mainam itong pampataba. Hindi katulad ng mga naunang laro, bawal kumain dahil bukod sa natakbo ka, may mga galaw na kailangan mo ng full concentration. Sa makabagong laro na ito, tila hindi lang bata ang naaakit. Isali mo na ang mga nageedad 17-pamama. Hindi ka rin naman pala sa bahay lang, maaari mo ring laruin ang mga larong ito sa mga nagkalat na parang kabuteng mga computer shop. Maaari kang magrent ng wantusawa, sabihin na nating mabibitin ka sa 12 hours, pero ok na un, dahil natutulog din ang tagapagbantay ng mga nasabing shop. Dahil sa digital age, tila gusto na maging robot ng mga nasabing tao na ang PAST TIME ay mag-aral at lagi na lang maglaro ng online games.

Palakpakan pa rin!!! Dahil, marami nang malulusog na bata, na balang araw ay magiging cyborg na nakatira cybertron.

Aminado rin naman akong hindi ko ipagpapalit ang paglalaro ng teks sa paggwa ng mga assignments ko noon.Sa medaling salita, ginagawa na natin noon ang mga bagay na ngayon lang nila natutunang gawin. Maaaringg nabago ang mga nilalaro, peo ang paraan ng pagsasaya at pagtuklas ay parehas lamang. Isa itong umiikot lang na proseso, hindi natin ito kayang pigilan, dahil parte ng pagunlad ang pagsasaya, at pagunlad na rin ng mga bagay na pinagkakatuwaan ng mga bata, at mga taong may batang puso.

Wednesday, August 5, 2009

bangungot

Nagkaroon ka na ba ng panaginip? Masaya ang panaginip, lalo nung kung tungkol sa isang matagumpay na istorya. Maaaring tagumpay sa buhay, at ang nakakakilig na pagibig. Bata pa lang ang tao, nararanasan niya na ito, kung totoo man, hindi malayong ilang milyong kombinasyon na ng panaginip ang hindi mo naaalala.
Kung marunong ka, siyempre ako rin. Sa edad na 22, bata pa ako. Oo, nanaginip na ako. Sobrang dami, di ko na maalala kung kelan ang first time ko at kung ano man ito. Napanaginipan kong mayaman ako, at meron akong tatlong swimming pool, na wala namang naglalangoy kundi dahon ng Aratiles sa aking mansyon. Marahil dahil sa masyado akong abala sa pagpilit kong wag magising kaya kahit ako di ko nagawang lumangoy. Napanaginipan ko rin na may gusto sa akin ang kaklase kong cheerleader, Masaya dahil hindi ko siya pinansin at panay pa rin ang pagpapapansin niya sa akin kahit alam niyang pagaaral lang ang layunin ko sa paaralan, Sa panaginip. Kung paano nangyari ang lahat na pumasok sa utak ko, hindi ko alam. Kung kokontra ka, pasensiya na, hindi ko kayang ituro sa iyo kung saan dapat magreklamo. Hindi tayo ang direktor ng sarili nating panaginip, Maaaring pumapasok sa utak natin ang mga bagay na ito dahil ito ang tunay na hinahangad ng ating mga damdamin. Pero ano nga ba ang mga panaginip, na para sayo’y kakaiba at mukang mauuna pang magkapakpak ang baboy bago ito.
Sa pagtatrabaho ko sa isang “Call Center”, di malayong maikumpara koa ang pamumuhay ng ibang lahi sa ating mga pinoy. Bagamat parehas lang halos ang opinion nila at sa ating mga pinoy tungkol sa buhay, makikitang napakagaan ng pamumuhay nila. Napanaginipan kong Pilipinas ang tinitingala ng ibang bansa. Magandang ekonomiya, Malaya, at may bukas na isipan tungo sa kaunlaran. Nakakalungkot isipin na ang mga bagay na ito’y pinlano na mula nang lumaya tayo sa kamay ng mga banyaga, pero tila hanggang ngayon, walang kasiguruhan ang mga bagay na ito. Ilang taon na ang lumipas, mula nung sabihin ni Rizal na kabataan ang pagasa ng bayan, ilang henerasyon na rin ang dumaan, ngunit hanggang ngayon malabo pa sa black and white tv na walang antena ang mga pahayag na ito. Mas Masaya nga naman ang paglalaro ng DOTA, kesa alamin ang pinagmulan ng mga kulisap at kung bakit umiilaw ito. Sa paglipas ng panahon, ang mga kabataang inaasahang magangat sa bayan, ay tila nawawalan ng interes sa pagaaral. Ako mismo ang aamin, na nakakatamad ito. Ano nga ba naman ang alam nila sa pagligtas ng isang bansang untiunting lumulubog. Sa pagtagal ng panahon, ang mga kabataang lumalaki ay nakakadagdag lamang sa bilang ng mga taong walang trabaho, at pampabigat ng timbang ng Pilipinas. Tanggapin na natin na hindi natin maaaring iasa sa mga kabataan ang pag-asa ng ating bayan, kung hindi natin sila kayang hubugin sa tamang paraan.
Sa napanaginipan ko, naisip kong tingnan ang directory at hanapin ang numero ng white house, upang magiwan ng mensaheng “Pakisakop na lang ulit kami”, kamalasmalasan lang talagang wala sa listahan ang numero nito. Minsang nanood ako ng TV at ang palabas ay The Buzz. Kitang kita ng aking mga mata, na ang nasa hot seat ay ang pangulo, na nagkukuwento tungkol sa bago nitong boylet, na tinago niya sa pangalang young actor. Pinanood ko, dahil interesado ako sa lovlife ng presidente ng isang bansang nagpupumilit bumangon. Nakakagulat na sinabi ng pangulong, “gumising ka at malelate ka nanaman!!”, may background music itong nagluluto ng almusal. Nagising ako, nagmunimuni.. sinimulan ang isa nanamang masayang araw.

Saturday, June 27, 2009

ang linggo ay bato

magandang hapon mga kaybgan!!
isang hapon ng linggo, at ika'y batong bato? wag ka na magalala dahil ang linggo ay gnawa upang mabato ka!! kelangan mo ng pahinga tol

isipin mo to, minsan ay anim na araw ka sa opisina, o di naman kaya'y sa eskwela, pagod na pagod ka. kung ano man ang ginawa mo sa anim na araw, ay wag mo nang gawin sa araw ng linggo. eto ang ilan samga bagay na dapat mong gawin sa araw ng linggo

1.)maglinis ng kwarto-siguradong di mo pa nagawa sa anim na araw ng linggo
2.)makinig ng radyo, at sabayan si tom jones sa pag kanta ng delilah- bagay sa matatanda
3.)laruin ang pamangkin o kung sino mang bata na nasa bahay-bawal mapikon!!
4.)eto ang ultimate, maglaba ka ng iyong damit!!
5.)wag humawak ng papel, bolpen o kahit ano mang bagay na may kinalaman sa opisina, lunes mo na gawin yan...
6.)mangilin-ayon sa bibliya dapat natin gawin to
7.)magluto ng hapunan-isang linggo kang nagtrabaho at umuuwe ka lang para matulog at kumain? aba pakita mo naman ang iyong galing sa kusina.
8.)kumain ng mabuti, at wag magiinom, dahil ginagawa lang iyon sa araw ng sabado
9.)matulog ng maaga
10.) kung nde makatulog ng maaga, hawakan ang sarili at wag kalimutang maghugas ng kamay bago gawon ito(panlalake lamang po)
11.) matulog ka na at wag na isiping dumalawa pa.


lahat ng mga bagay na ito ay kalimitang ginagawa sa araw ng linggo, at kung iisipin, nakakatamad tlaga ang mga bagay na ito, dahil hindi natin ito nakasanayan, pero wala tayong magagawa dahil nga sa ginawa tlaga ang araw ng linggo upang ika'y mabato!!

Ang sino man na hindi sumangayon at nagsasabing mali ang mga nabanggit, ay bibigyan ng trabahong pang opisina o pang paaralan.